
Ang pagbabasa ay isang mahalagang kakayahan na dapat matutunan ng bawat isa. Kung mapapansin natin sa kasalukuyang henerasyon, bihira na lang sa mga kabataan ang nahihilig sa pagbabasa. Mas pinapahalagahan pa nila ang paglalaro gamit ang kanilang elektronik na gadyet. Pero ibahin ninyo ang mga batang nasa larawan:
Sila ang mga mag-aaral ng Baracatan National High School. Sa kabila ng kakulangan ng kagamitan, pininpilit pa rin ng mga mag-aaral na ito na magbasa. Kahit nasa labas na ng silid-aralan ipinagpatuloy pa rin nila ang pagbabasa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento